.jpg)
Bakit ka Mahirap? Raket Podcast Tayo by Avon and Icee
Para kay Juan at Juana Sipag na kahit anong gawin para kumita, parang di pa rin sapat. Para kay Juan at Juana Sipag na gusto ng trabaho sa bahay pero kumikita ng dolyar. Para kay Juan at Juana na gustong gusto na umahon sa pagkakalubog sa buhay! Tayo-tayo nalang rin naman ang maghihilahan pataas (disclaimer: walang lugar ang talangka sa podcast na 'to), tara pag-usapan natin bakit nga ba tayo mahirap? Bakit nga ba todo kayod na tayo, wala namang ipon? Ano nga ba ang pwede nating gawin para kumita ng sapat?
Bakit ka Mahirap? Raket Podcast Tayo by Avon and Icee
Pilot: Bakit Ka Mahirap? Raket Podcast Tayo by Avon Abogadie
Minsan ba natanong mo na sa sarili mo bakit ka pinanganak na mahirap? Madalas ba kamot ulo talaga kapag lumabas na yung bill ng kuryente at alam mong di sapat ang meron ka? Minsan ba ayaw mo na lang manuod ng balita dahil alam mo na wala namang iba, puro taasan don, taasan dito? Madalas ba puro ka nalang hanap ng raket pero ganon pa din? Ang sarap sumigaw no? Ang sarap umiyak. Ang sarap magdrama. O kaya mag walling sa shower habang kumakanta ng "I did my best but I guess my best wasn't good enough!"
Pag usapan natin bakit nga ba tayo andito sa sitwasyon natin ngayon. Pwede kayang malampasan to? Ano kaya ang kayang gawin ni Juan Sipag para guminhawa?
Join our group para updated ka sa chikahan at raket opportunities : https://www.facebook.com/groups/1117251528996282/?ref=share&mibextid=S66gvF or Inbox me at https://www.facebook.com/SavvyOnCreatives/