.jpg)
Bakit ka Mahirap? Raket Podcast Tayo by Avon and Icee
Para kay Juan at Juana Sipag na kahit anong gawin para kumita, parang di pa rin sapat. Para kay Juan at Juana Sipag na gusto ng trabaho sa bahay pero kumikita ng dolyar. Para kay Juan at Juana na gustong gusto na umahon sa pagkakalubog sa buhay! Tayo-tayo nalang rin naman ang maghihilahan pataas (disclaimer: walang lugar ang talangka sa podcast na 'to), tara pag-usapan natin bakit nga ba tayo mahirap? Bakit nga ba todo kayod na tayo, wala namang ipon? Ano nga ba ang pwede nating gawin para kumita ng sapat?
Bakit ka Mahirap? Raket Podcast Tayo by Avon and Icee
S1 E1: Bakit Ka Mahirap? Dahilan o Dumadahilan?
Kaya daw mahirap ang karamihan ay dahil sa ganito, dahil sa ganyan. Ano-ano kayang dahilan ng isang common Pinoy? Dahilan ba talaga o sadyang dumadahilan?
Taas ang kamay ng mga abangers sa sahod kahit alam namang wala pa man ang sahod, may paglalaanan na lahat, halos wala ng matira, kadalasan negative pa!
Sabi nila ang susi daw sa pagresolba ng problema ay pag alam ang root cause nito. In short, kapag malaman natin ang dahilan bakit hangin lang ang laman ng pitaka natin, kung legit ba talagang dahilan o sadyang pagdadahilan, malalaman din natin pano yumaman. Taray, yaman agad? Di ba pwedeng ipon muna? Char. Gets mo na 'yan.
Pag-usapan natin bakit tayo mahirap, malay natin, pagtapos ng episode na 'to, alam na natin pano maging parte ng #TeamPayaman!
Join our group para updated ka sa chikahan at raket opportunities : https://www.facebook.com/groups/1117251528996282/?ref=share&mibextid=S66gvF or Inbox me at https://www.facebook.com/SavvyOnCreatives/